...

19 views

Wakas
In Filipino we say, "hanggang dito nalang"

But in poetry I say...
Hindi natin natapos ang sinusulat na libro
Ni ang umabot sa huling pahina ay hindi natin nagawa
Hindi naubos ang tinta sa ginagamit na panulat
Hindi nakalimutan ang nais maging laman ng ating kwento
Hindi naubusan ng espasyo upang maging dahilan ng hindi pagsulat sa matagal na nating pinaplanong wakas
Subalit unti-unti ay naubusan na ng lakas
Nangawit na ang mga kamay
Sumakit na ang mga mata
Nawalan na ng gana
Kahit anong pilit mang ipagpatuloy
Natuldukan padin ang ating kwento, nang hindi man lang natatapos.

© UkimichiSia

#lostlove #FilipinoTalents #tagalog #Love&love #heartbreaks