...

3 views

Kulay (translated in Filipino)
Pula, asul, Lila, berde, itim, dilaw, puti
Ang gaganda siguro ng mga kulay na makikita mo sa paligid, tulad ng asul na dagat karagatan, mga matitingkad na kulay ng bulaklak. Sayang ngalang at itim lang ang tanging nakikita ko. Noon pa man wala na talaga akong ibang nakikita kundi itim, di ko manlang masilayan kung gaano kaganda ang Mundo kasi wala akong kakayahan para makita yun. Sa tuwing naririnig ko sila na pinag uusapan ang tungkol sa magandang bagay ay wala akong ideya, di ko ngarin maisip kung ano yun dahil hindi ko namn nakita. Lumaki akong iniiwasan ng mga tao at hindi pa kailan man nakita ng kahit na ano sa mundong toh, pero kahit na ganon masaya parin ako tuwing maamoy ko ang amay ng ulan , mga bulaklak o kaya naman ay candies. Naririnig ko rin ang pagaspas ng dahon, huni ng ibon, at tinig ng mga tao sa paligid ko
Ito ang inang beses na iminulat ko ang mga mata ko at nasilayan ko ang ganda ng mundo, ang kulay ng mga bulaklak, ang itsura ng mga tao, hayop, at iba pang mga bagay na talagang ang ganda pagmasdan. Sayang ngalang at ito narin ang huling beses na makikita ko sila, dahil ang una kung pagsilay sa mundong ito, ay ang araw kung saan ako'y patay na.

ps. this story is written in my native language (translations will be posted tomorrow.Thank you for understanding)
© misaki